Nais baguhin ng Metropolitan Manila Development Authority ang magiging tila parusa sa mga lalabag sa No Contact Apprehension Policy.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, kanilang pinag-aaralan na ang pagpapalit ng parusa kung saan mula sa multa ay gagawuin na lamang itong community service.
Layon aniya nito na makatulong sa hakbangin ng ahensiya kontra baha.
Kabilang sa mga gagawin sa community service ang paglilinis ng imburnal at sa mga daluyan ng tubig.