Distribusyon ng Sinovac vaccine, tinalakay na ng Metro Manila Council kagabi.
Nagpulong kagabi ang Metro Manila Council upang pag-usapan angĀ magiging distribusyon ng Sinovac COVID-19 vaccine na inaasahang darating na ngayong araw, ika-28 ng Pebrero.
Sakaling dumating na bakuna, agad itong idederetso sa storage facility sa lunsod ng Marikina.
Bukas naman araw ng Lunes, posibleng masimulan na ang pagtuturok ng COVID-19 vaccine mula sa limang ospital o mga pagamutan.
Samantala, bukas rin ng hapon inaasahang darating ang 525,600 na doses ng AstraZeneca vaccine.