Home NATIONAL NEWS Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68,000 in nine months, socialized housing grows 173% under Marcos’ Expanded 4PH

MIAA nagbabala sa magtatangkang umabuso sa libreng terminal fee para sa OFW’S

by DWIZ 882 March 16, 2017 0 comment
MIAA

Binalaan ng MIAA o Manila International Airport Authority ang mga magtatangkang umabuso sa libreng terminal fee para sa mga OFW’S o Overseas Filipino Workers.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, may inihanda silang parusa para sa mga sinumang magtatangkang manloko para lamang makalibre sa terminal fee.

Una rito, lumagda ng memorandum of agreement ang mga ahensya ng pamahalaan at mga airline companies para sa otomatikong pagtanggal sa P550.00 terminal fee kapag bumibili ng ticket sa ticketing center ang mga OFW’S.

Sa ngayon ay sa  person to person purchasing pa lamang epektibo ang libreng terminal fee subalit ipatutupad na rin ito sa airline ticketing pagsapit ng Hunyo.,

PAKINGGAN: Si MIAA General Manager Ed Monreal sa panayam ng DWIZ

By Len Aguirre

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment