Inihayag ng PHIVOLCS na dapat manatili muna sa kanilang mga tahanan ang mga residenteng nakatira malapit sa Bulkang Taal.
Ito’y kasunod na rin ng mga naitalang sulfuric emission na inilalabas ng taal volcano sa mga nakalipas na araw.
Ayon kay bagong talagang Department of Science and Technology Secretary (DOST) at PHIVOLCS Chief Renato Solidum, nakaranas ng pagkaamoy ng sulfur dioxide ang ilang barangay sa bayan ng Agoncillo, Laurel, at Talisay sa Batangas.
Aniya, nagkaroon ng pag-irita sa mata at lalamunan ng mga residente dahil sa maraming ibinugang sulfur dioxide gas mula sa main crater ng taal.