Bahagyang tumaas ang COVID-19 daily positive rate sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na tatlong araw.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido david, umabot na sa 17 point 9% ang positivity sa Metro Manila noong August 11.
Pero, hindi aniya malinaw kung naabot na ng rehiyon ang peak ng COVID-19.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsyento ng mga indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 test.
Samantala, sinabi ni David na ang pagtaas ng mga kaso ng naturang sakit ay posibleng magpatuloy hanggang “ber” months.