Minsan pang nagpaalala ang gobyerno ng Pilipinas sa mga Pilipinong nasa Yemen na lumikas na roon at umuwi na ng bansa sa lalong madaling panahon.
Ito’y sa gitna ng nakaambang paglala ng sitwasyon doon dahil sa problemang pulitikal at seguridad.
Sinabi ng embahada ng Pilipinas sa riyadh na siyang may hurisdiksyon din sa Yemen na mas lalong hihirap ang evacuation doon sa mga susunod na araw.
Kaya naman, inihahanda na ng embahada ang isang land evacuation sa pamamagitan ni Honorary Consul to Yemen Mohammad Al-Jamal.
Ayon sa embahada, maaaring ito na ang huling land evacuation mula sa Yemen.
Kaya, payo ng embahada sa mga pinoy na nais nang lumikas at makipagtulungan, kontakin lamang ang opisna ni Al-jamal o kaya’y mag-email sa honconsanaa@philembbassy-riyadh.org.
By: Allan Francisco