Ang ikalawang babaeng Ambassador ng Amerika ang inaasahan umanong maitatalaga bilang bagong sugo nito sa Pilipinas kapalit ni U.S. Ambassador Sung Kim.
Sinasabing si Mina Chang, U.S. State Department Deputy Assistant Secretary para sa bureau of conflict and stabilization operations ay mayroong malawak na karanasan sa mga conflict area tulad ng Afghanistan, Iraq, Somalia at Nigeria.
Bago maging bahagi ng bureau, si Chang ay nagsilbing chief executive officer ng isang international non-government organization at nagsusulong ng proactive stabilization bilang strategic tool ng foreign engagement at investment para mapalakas ang Amerika sa ibayong dagat.
Si Chang ay alumna ng Harvard Business School, graduate ng U.S. Army War College National Security Seminar, Harvard John F. Kennedy Senior Executive in National and International Security at dating international security fellow sa New America.
Si Chang ay sumusunod sa yapak ni dating State Deparment Counselor Kristie Kenney na nagsilbing U.S. Ambassador mula 2006 hanggang 2009.