Asahan na ang mga pagbabago sa susunod na presidential debate na in-organisa ng Commission on Elections (COMELEC) sa Linggo, Abril a–3.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, asahan na rin ang mas matinding sagupaan ng opinyon ng mga kandidato sa oras na magharap sa debate.
Bagaman hindi nagbigay ng karagdagang detalye, tatalakayin naman ito ni Garcia kasama ang mga miyembro ng media, bukas.
Marso a–19 nang ilunsad ng COMELEC ang unang bugso ng presidential debate na mayroong single moderator at walang live audience na tumagal ng tatlong oras.