Mistulang hindi napapakinabangan ng taumbayan ang lahat ng mga inilalabas na pag-aaral ng Climate Change Commission.
Ito ang napansin ni University of the Philippines Nationwide Operational Assessment of Hazards Center Executive Director, Professor Mahar Lagmay, dahil hindi anya nasusunod ang mga nais ipaimplementa ng Climate Change Commission.
Dagdag pa ni Prof. Lagmay, single scenario at historical records lamang ang inilalabas ng naturang komisyon, kaya’t hindi up-to-date ang mga mapa at assessment na isinasapubliko.
Lalo pa anyang lalala ang mga sakuna dahil sa sinasabing climate change, kaya dapat maging maagap ang kilos ng pamahalaan at ng taumbayan upang mabawasan ang danyos na dulot ng mga sakunang tulad ng bagyo.
Nagpayo naman si Lagmay na dapat maging mas maagap at handa pa ang publiko, lalo na at maaari pang lumala ang mga sakuna sa hinaharap.




