Inatasan ng DOH o Department of Health ang mga ospital na i-report sa kanila ang real time count ng mga gamot upang maagapan ang mga malapit nang mag expire.
Ito’y ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag na batay sa report ng Commission on Audit (COA) nasa mahigit tatlong daang milyong pisong (P300-M) halaga ng mga gamot ang na-expired lang at hindi napakinabangan noong 2016.
Paliwanag ni Tayag, isa sa mga dahilan kung bakit mayroong mga gamot na hindi napakikinabangan ay dahil mayroon talagang uri ng mga gamot ang kailangang nakaimbak lamang para magamit sa oras ng pangangailangan.
Tiniyak ni Tayag na gumagawa na sila ng paraan para hindi na maulit pa ang ganito karaming naaksayang mga gamot.
- Arianne Palma | Story from Aya Yupangco