Sinibak sa pwesto ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang lahat ng opisyal at empleyado ng dalawang branch ng LTO o Land Transportation Office sa Nueva Vizcaya dahil sa isyu ng korapsyon.
16 na tauhan ang nahagip ng sibakan mula sa Cabarroguis District Office, Bayombong District Office at Aritao Extension Office.
Ayon kay Tugade, mismong sa Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsumbong ang mga rice traders at truckers na kinikikilan umano ng mga empleyado ng LTO.
Kumikita anya ang mga ito ng halos isang milyong piso kada araw dahil sa daan daang truck na kinikikilan nito na dumadaan sa Nueva Vizcaya mula Cagayan Valley.
Ayon kay Tugade kinansela na rin ang deputation order at temporary operator’s permit ng mga tauhan ng DPWH na idineploy sa isang tulay sa bayan ng Aritao.