Inirekomenda ng vaccine expert panel ng bansa ang pagbabakuna ng Astra Zeneca sa mga dapat turukan ng second dose ng Sputnik V vaccines sa gitna ng pagkaantala ng supply nito.
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., kapwa viral vector ang ginamit na tekonolohiya sa Astra Zeneca at Sputnik V.
Inihayag aniya ng vaccine panel experts na sa oras na hindi makapagbigay ng supply sa itinakdang grace period ay maaari na nilang ibigay bilang 2nd dose ang Astra Zeneca sa mga tinurukan ng Sputnik V.
Tiniyak naman ng Department of Health na ligtas ang prosesong ito dahil pareho naman ang technology platform na ginamit ng dalawang vaccine manufacturers.—sa panulat ni Drew Nacino