Muli na namang napatunayan ang taglay na honesty ng mga Japanese nang dahil lang sa nasirang system sa toll gate. Pinagbigyan kasi ang mga ito na dumaan nang libre pero ang 24,000 na mga motorista, kusa pa ring nagbayad ng toll fee.
Ang buong detalye ng insidente, eto.
Sa pagitan ng april 8 at 9 sa kasalukuyang taon, nagkaroon ng malfunction ang Electronic Toll Collection o ETC sa Japan sa loob ng 38 oras, partikular na sa Chuo Expressway, Kanagawa, Yamanashi, Nagano, Shizuoka, Aichi, Gifu, at Mie.
Dahil dito, hindi nagawang basahin ng system ang card ng mga driver.
Bilang maaari itong maging sanhi ng matinding traffic, agad nang gumawa ng paraan ang Central Nippon Expressway Co o NEXCO Central at pinayagan ang mga motorista na pansamantalang dumaan sa toll gate nang libre.
Pero hinikayat ang mga ito na ihabol na lang ang kanilang bayad sa pamamagitan ng online payment.
Pero pagpatak ng alas diyes ng gabi sa unang araw na mag-crash ang system, sinabi ng NEXCO na nakatanggap sila ng online payment mula sa tinatayang 24,000 na mga motorista.
Bukod diyan, pagdating ng mayo ay nakatanggap ng good news ang mga motorista dahil ibabalik sa kanila ng expressway operator ang kabuuan ng kanilang bayad sa pamamagitan ng ETC mileage program o sa iba pang paraan.
Ang ganitong uri ng tagpo sa Japan, hindi na bago sa pandinig ng karamihan dahil kilala ang mga hapon sa pagiging matapat at maaasahan, kung kaya nga mas lalo pang nakatanggap ang mga ito ng papuri mula sa mga netizen.
Kung ikaw ang dumaan sa mga nasabing birthday, kusa ka rin bang magbabayad o sasamantalahin mo ang libreng pagdaan dito?