Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Mga mananamantala sa presyo ng noche buena items ireport sa DTI —Palasyo

by DWIZ 882 December 23, 2020 0 comment
DTI GOODS

Hinikayat ng Palasyo ang publiko na agad na mag-report sa Department of Trade and Industry (DTI) kung may mga negosyanteng mananamantala ngayong holiday season.

Ayon sa tagapagsalita ng pangulo na si Secretary Harry Roque, sa mga nais magreport o magreklamo mangyaring tumawag sa DTI hotline sa numerong 1-384 o kaya’y mag-email sa consumercare@dti.gov.ph.

Mababatid na may inilabas na suggested retail price (SRP) ang DTI na saklaw ang mga noche buena items gaya ng hamon; fruit cocktail; queso de bola; spaghetti, macaroni, at iba pa.

Kasunod nito, tiniyak ng DTI na wala pang pagtaas sa presyo ng mga noche buena items hanggang December 31, 2020.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment