Nagsimula nang dumagsa ang mga mamimili ng bulaklak sa Dangwa Flower Market sa Maynila ngayong bisperas ng valentine’s day.
Kasabay nito ay nagsimula na ring tumaas ang presyo ng mga bulaklak.
Ngayon mabibili na ang isang dosenang lokal na rosas ng P700 habang ang imported ay P350 naman ang kada piraso.
P180 isang bouquet ng carnation at P180 naman ang kada sampung piraso ng daisy.
Mas mabenta naman ng mga readymade bouquet o ang mga bulaklak na nakaayos na mula sa P1000 hanggang P5,000 depende sa mga klase at dami ng bulaklak.
Bukod sa bulaklak, mabenta rin ang chocolates at stuffed toys bouquet.
Mabibili ang bulaklak na may ferrero bouquet sa halagang P2,500 hanggang P3,000 pesos habang P600 hanggang P1000 ang stuffed toys bouquet.
Inaasahang mas tataas pa ang presyo ng mga bulaklak mamayang gabi hanggang bukas ng umaga.