Suportado ng Department of the Interior and Local Government (dilg) ang paglalagay ng mga tarpaulin na naghahayag ng pagkondena laban sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).
Ito’y ayon kay DILG Spokesman Usec. Jonathan Malaya ay kasunod ng kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno na tanggalin ang nakasabit na tarpaulin sa footbridge malapit sa US Embassy na nagbabansag na persona non grata sa mga rebelde.
Ayon kay Malaya, mahigit 20,000 local chief executives na ang nagpasa na ng resolusyon na tumatakwil sa paghahasik ng terrorismo at gawaing kriminal tulad ng ginagawa ng komunistang grupo.
Dahil dito, hinikayat ng DILG ang iba pang gobernador at alkalde sa bansa na makiisa sa adhikaing gawing ligtas ang kanilang pamayanan mula sa banta ng mga rebelde na ang tanging nais ay tuligsain at pabagsakin ang umiiral na gobyerno.