Magbubukas na muli ang mga korte sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) simula sa Lunes, 17 ng Mayo.
Ito’y sang-ayon sa administrative circular number 33-2021 na pirmado mismo ng punong mahistrado, ay bubuksan ang mga korteng ito alinsunod sa skeletal workforce mula 30% hanggang 50% kapasidad.
Sa kabila nito, mananatili namang sarado ang mga korte sa mga lugar na nakasailalim sa mahigpit na quarantine status gaya ng modified enhanced community quarantine (MECQ).
Kasunod nito, inabisuhan naman ng korte suprema ang lahat ng mga opisyal at kawani nito na manatiling sumusunod sa umiiral na health protocols kontra COVID-19.