Nakapagtala ng bagong kaso ng African Swine Fever (ASF) ang Southern Leyte.
Nakuha ito sa blood samples mula sa mga baboy sa Barangay Ibarra sa Maasin.
Una nang sinabi ng Department of Agriculture (DA) na nasa 219 o 5% ng 4,390 barangay sa Eastern Visayas ang may kaso ng ASF.
Habang 42 bayan at siyudad sa rehiyon ang apektado na ng sakit simula pa noong 2020.
Patuloy naman ang gawain ng lokal na pamahalaan ng Southern Leyte para hindi na kumalat ang sakit. —sa panulat ni Abby Malanday