Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na base sa batas na ipinatupad ng kanilang ahensya, ang mga kandidato at mga political party kasama na ang mga party-list groups ay kailangang magsumite ng kanilang Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) sa loob ng 30 araw pagkatapos ng eleksyon.
Sa panayam ng DWIZ sinabi ni Atty. Efraim Bag-Id, Head ng Campaign Finance Office ng COMELEC, tatagal lang hanggang sa Hunyo a-8 ang palugit para maisumite ang mga report na kailangang maipasa sa kanilang ahensya.
Sinabi pa ni Bag-id na magkakaroon ng pirmahan sa mga resibo at limitado lang ang paggastos ng mga kandidato sa kanilang kontribusyon dahil mayroon itong kaukulang parusa.