Nagsimula nang tumaas ang rate ng mga maraming hotel at resort sa isla ng Boracay ilang linggo bago ang Semana Santa na itinuturing na peak season.
Ayon kay DOT o Department of Tourism Officer in Charge Kristofer Leo Velete na kadalasan umanong tumatanggap ng reservations ang mga resort isang buwan ang paggunita ng Semana Santa.
Karamihan sa mga hotel sa ngayon ay fully booked na.
Kaugnay nito, siniguro ni Velete na bukas ang kanilang tanggapan sa Semana Santa upang magbigay ng tulong at impormasyon sa mga turista tungkol sa mga aktibidad sa isla at mga problemang kahaharapin ng ito.
By Rianne Briones