Makakapasok na ng Pilipinas simula sa April 1, ang mga fully vaccinated na foreign nationals.
Ito ay kahit walang entry exemption document kahit saang bansa sila nagmula.
Ayon kay Atty. Michael Kristian Ablan, Acting Deputy Presidential Spokesperson at Undersecretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), epektibo ang kautusan simula alas-dose a uno ng madaling araw ng April 1.
Kasama sa kondisyon sa mga papasok na dayuhan ang mga sumusunod;
- Kailangang fully vaccinated maliban sa mga minors na edad dose pababa na kailangang kasama ang kanilang magulang sa pagbiyahe;
- May maipapakitang katibayan na bakunado na at,
- At passport na valid hanggang anim na buwan sa pagdating sa Pilipinas
Kailangan pa ring magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR test na kinuha 48 oras bago ang departure o negative antigen test result na isinagawa 24 na oras bago ang kanilang pag-alis mula sa bansang panggagalingan. - sa panulat ni Abby Malanday