Ligtas ang mga Filipino sa Guam at Northern Marianas sa kabila ng pananalasa ng Bagyong Mangkhut.
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Consulate sa Filipino community sa nabanggit na lugar.
Ayon kay Philippine Consul-General Marciano De Borja, handa naman silang sumaklolo sa sinumang pinoy sa kabisera na Agana, lungsod ng Dededo at Isla ng Rota sakaling mangailangan ang mga ito ng tulong.
Nasa 43,000 ang mga pinoy na naninirahan at nagta-trabaho sa Guam habang tinaya sa 20,000 sa Northern Marianas.