Katulad sa Pilipinas, paniguradong laganap din ang hindi mapigilang pagkalat ng fake news sa ibang bansa, katulad ng China.
Bilang nangunguna ang bansang ito sa innovations, nag-step up na rin ito para protektahan ang mga lokal mula sa maling impormasyon sa pamamagitan ng isang batas kung saan kailangan munang patunayan ng mga influencer ang kanilang expertise tungkol sa mga seryosong usapin bago gumawa ng video tungkol dito.
Tinanggap nga ba ng mga social media user ang bagong patakaran? Alamin.
Ganap nang isang batas sa China at sinimulang implementahan noong October 25 ang panibagong sistema kung saan nire-require ang mga social media influencer na magkaroon ng degree, training, license, o certification bago sila gumawa ng video tungkol sa mga social issues o mga seryosong usapin katulad ng law, finance, medicine, at education.
Layunin nito na tugunan at pababain ang mga kaso ng misinformation sa social media.
Makikipagtulungan din ang mga Chinese social media platform para maging epektibo ang pagpuksa sa fake news kung saan kialangan munang kumpirmahin ng mga ito ang credentials ng mga influencer.
Tila isa na itong thesis dahil kailangang linawin ng uploaders kung naglalaman ba ng AI-generated materials ang kanilang videos at kung gumamit ba sila ng sources katulad ng research studies.
Bukod pa riyan, ipinagbawal na rin ng Cyberspace Administration of China (CAC) ang pag-aadvertise ng medical products, supplements, at health food para maiwasan ang pagpo-promote ng mga produkto na kunwari ay layuning mag-educate sa publiko.
Gayunpaman, bagama’t maganda ang hangarin ng bagong batas, ilang netizen ang umalma rito dahil posible umano nitong mahadlangan ang pag-e-express ng creativity at malilimitahan ang isa sa mga karapatang pantao na freedom of speech.
Ikaw, papabor ba sayo kung magkakaroon ng kaparehas na batas sa Pilipinas?



