Sa India, isang lalaki ang muntikan nang ma-cremate dahil sa maling deklarasyon ng mga doktor nito.
Ang buong kwento, alamin.
Isang 25-anyos na lalaking deaf and mute na kinilalang si Rohitash Kumar ang nawalan ng malay nitong nobyembre 21 dahil sa epileptic seizure.
Dinala si Kumar sa Bhagwan Das Khetan (BDK) District hospital at binigyan ng mga doktor ng cpr ngunit lumabas sa electrocardiogram na nag-flatline na ang heart rate nito.
Idineklarang patay si Kumar at ipinadala sa morge nang hindi man lang sumasailalim sa post-mortem examination upang malaman kung ano ba ang dahilan ng pagpanaw nito.
Inilagay sa funeral pyre si Kumar upang i-cremate alinsunod sa tradisyon ng mga Hindu.
Ngunit bago pa man paliyabin ang mga kahoy na susunog sana sa katawan ng lalaki ay napansin ng mga nanonood na bigla na lamang gumalaw si Kumar.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, “respiratory failure due to lung disease like chronic obstructive pulmonary disease at tubercolusis” ang sanhi ng pagkamatay nito at may time of death na 1:50 pm.
Pero ayon sa district collector na si Ramavatar Meena, nakasaad lamang ang post-mortem examination ni Kumar sa papel at hindi naman talaga aktuwal na isinagawa ng mga doktor.
Nagresulta ito sa imbestigasyon sa mga doktor sa nasabing ospital, habang tatlo naman sa mga ito ang nasuspinde dahil sa negligence.
Matapos ang insidente ay ibinalik si Kumar sa ICU ng BDK ngunit inilipat din sa isang ospital sa Jaipur dahil sa hindi pagbuti ng lagay nito.
Sa kasawiang palad naman ay tuluyang pumanaw ang lalaki habang nasa ambulansya.
Ikaw, anong masasabi mo sa kalunus-lunos na sinapit ng lalaki?