Dagdag suporta sa PhilHealth ang itinutulak ngayon ng administrasyon sa pamamagitan ng Zero Balance Billing Program para sa mga ospital na nasa ilalim ng Department of Health.
Ito ay bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya para sa mas matatag na health care system sa bansa.
Ayon sa Presidential Communications Office, may malinaw na pinag-huhugutan ng pondo ang pamahalaan upang matiyak na tuloy-tuloy ang implementasyon ng programa na personal ding isinusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Dagdag pa ng P-C-O, ang medical assistance na ginagamit sa Zero Balance Billing ay mula rin sa iba’t ibang government sources tulad ng Philippine Charity Sweepstakes Office, Philippine Amusement and Gaming Corporation, bukod pa sa pondong nakalaan para sa mga D-O-H hospitals.
Kasama rin dito ang Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients Program na naglalayong magbigay ng agarang tulong pinansyal para sa mga nangangailangan.