Walang naitalang patay sa pananalasa ng Hurricane Patricia sa Mexico.
Ito’y kahit pa isang category 5 o Super Typhoon ang nasabing sama ng panahon na ngayo’y isa na lamang tropical depression.
Sa kabila nito, maraming bahay ang napinsala o nawasak bunsod ng malakas na hanging dala ng bagyo na nag-landfall kahapon sa Jalisco State.
Ayon kay Mexican President Enrique Peña nieto, nagtumbahan din ang mga puno at poste ng kuryente maging mga linya ng komunikasyon habang nagdulot ng pagbaha at landslides ang malakas na ulan.
Naiwasan lamang anya ang malaking pinsalang dulot ng Super Typhoon dahil maagang nag-evacuate at naghanda ang mga mamamayan.
Ang hurricane Patricia ay kasing lakas ng super Typhoon yolanda na nanasala sa Pilipinas, noong November 2013.
By: Drew Nacino