Humihirit sa Pamahalaan ang Metro Manila Mayors na itaas sa Alert level 4 ang Alert Level System sa National Capital Region (NCR).
Ito ay para matugunan ang lumalalang bilang ng tinatamaan ng Corona Virus Disease makaraang luwagan ng gobyerno ang restriksiyon sa bansa.
Ayon sa mga Alkalde, dapat na ikunsidera ang pagtaas ng Alert level gaya ng Mobility at Hospital Care Utilization.
Matatandaan na nito lamang sabado ay sumipa sa record-high na 26, 458 ang naitalang bagong COVID-19 cases sa bansa sa ilalim ng Alert level 3. —sa panulat ni Angelica Doctolero