Aprubado na ng House Committee on Labor and Employment sa pamumuno ni Rizal Rep. Fidel Nograles ang panukalang batas na magsusulong sa social at economic welfare ng mga media workers, kabilang ang kanilang living and working conditions.
Saklaw ng panukala ang tamang pasahod, security of tenure, hazard at overtime pay, at iba pang mga benepisyo gaya ng SSS, Philhealth at Pag-IBIG.
Sa ilalim ng panukala, makakatanggap ng minimum wage compensation ang mga mamamahayag na itatakda ng national wages and productivity commission o ng regional tripartite wages and productivity boards.
Bukod sa mga protective equipment, makakatanggap din ng karagdagang limandaang piso kada araw ang mga miyembro ng media na aatasang mag-cover sa mga delikadong sitwasyon o lugar sa ilalim ng panukala.
Makakatanggap din ang mga ito ng 200,000 pisong death and disability benefits at 100,000 pisong medical insurance benefit.
Samantala, ipinag-uutos din ng panukala ang pagbuo ng news media tripartite council sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE). sa panulat ni Hannah Oledan