Papayagan pa rin makapagreport sa trabaho at makapag-ikot sa buong Luzon ang mga miyembro ng media sa kasagsagan ng enhanced community quarantine.
Ito ang inihayag ni Inter-Agency Task Force (IATF) spokesperson at cabinet secretary karlo nograles sa kondisyon makapag-apply para sa ipalalabas na identification cards o i-d ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Aniya, dapat isumite ang aplikasyon sa loob ng 72 oras o tatlong araw simula nang maipalabas ang memorandum hinggil sa enhanced community quarantine.
Kaugnay nito, sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar na kanilang ipalalabas ang mga special media pass para sa mga journalist at iba pang empleyado sa media industry sa pamamagitan ng International Press Center.
Dagdag ni Andanar, habang hindi pa nila na ipalalabas ang mga id, kikilalanin pa rin ng pulisya at ibang law enforcement agency ang mga media id’s.
Ang tinig nina Cabinet Secretary Karlo Nograles at Communications Secretary Martin Andanar.