Mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang malaking problema ang pagkalat ng fake news sa social media.
Batay sa survey ng Social Weather stations (SWS) na isinagawa nitong Disyembre 12 hanggang 16, 69% ng mga tumugon ang naniniwalang malaking problema ang pagkalat ng fake news sa midya tulad ng television, radyo at diyaryo.
Habang 21% ang walang desisyon, 6% ang naniniwalang hindi ito magiging problema at 3% ang nagsabing wala namang problema dito.
Sa kumakalat namang fake news sa internet sites tulad ng facebook, twitter at youtube, 67% ang nagsabing malaki itong problema.
Habang 24% ang walang desisyon, 5% ang naniniwalang hindi ito magiging problema at 3% ang nagsabing wala namang problema dito.
Nasa 1,440 adults ang lumahok sa survey. -sa panulat ni Abigail Malanday