Nanawagan si vice presidential bet at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa kanyang mga tagasuporta na protektahan si presidential aspirant Bongbong Marcos at ang BBM-Sara Uniteam.
Sa talumpati sa Tagum City, sinabi ni Mayor Sara na ang ang pagprotekta kay BBM ang pinakamagagawa ng mga supporter para sa kanilang presidentiable.
Sinabi pa ni Inday Sara na tiwala siya na ang mga karanasan ni Bongbong na nagsilbi bilang gobernador, kongresista at senador ang mga mapaghuhugutan niya para sa pagsisilbi bilang pangulo ng bansa.
Ang BBM-Sara tandem ay patuloy na nangunguna sa lahat ng pormal at random presidential at vice presidential preferential survey sa buong bansa.
Samantala, ibinida naman ni Marcos ang “BBM-Sara Uniteam” nationwide synchronized caravan ay isang “positively-charged, voluntary mass action” para sa pambansang pagkakaisa, kapayapaan at progreso.
Maliban sa Davao City, Tagum City at Davao del Norte, milyon-milyong mga taga-suporta ng BBM-Sara Uniteam ay nakilahok din sa “unity ride” sa may 15 lalawigan at 30 mga siyudad sa Mindanao, Bicol Region, Calabarzon, Metro Manila hanggang Abra at Northern Luzon.