Natatakot umano para sa kanyang buhay ang dating pulis na may-ari ng Gream Funeral Services, kung saan dinala ang labi ng Korean national na si Jee Ick Joo.
Ayon kay National Bureau Investigation (NBI) Deputy Director Ferdinand Lavin, ito ang dahilan kung bakit humiling ito ng protective custody sa NBI o National Bureau of Investigation.
Nangako aniya sa kanila si retired SPO4 Gerardo Santiago na ihahayag sa kanila ang lahat ng kanyang nalalaman hinggil sa kinasapitan ni Joo.
Bahagi ng pahayag ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin
By Len Aguirre | Report from: Aya Yupangco (Patrol 5)