Katakot-takot na traffic ang bumungad at hindi magkanda-ugagang pila sa mga checkpoints ang bumungad sa mga motorista ngayong unang araw ng muling pagsasailalim ng NCR plus sa enhanced community quarantine (ECQ).
Mababatid na nag-set-up ang mga awtoridad ng checkpoints sa mga strategic areas para matiyak na walang makalulusot na mga hindi awtorisadong lumabas habang umiiral ang mas mahigpit na quarantine status.
Sa mga checkpoints na nakalatag sa boundary ng Caloocan City at San Jose Del Monte, Bulacan, ay hinihingi ng mga nagmamandong awtoridad ang mga patunay na sila’y authorized persons outside residents (APOR) o lumabas para sa essential travel.
Kabilang sa mga ito ay ang company IDs, certificate of employment (COE) at iba pang kaukulang dokumento.