Isinusulong ng isang mambabatas na ideklara ang Marso 21 bilang National COVID-19 Health Frontliners’ Day.
Layon ng House Bill 6774 na bigyang pagkilala ang kabayanihan ng mga frontline medical worker kabilang ang mga doktor, nurse at iba pang personnel sa health sector at medical field.
Ayon kay Cagayan De Oro City Rep. Rufus Rodriguez, nagsusulong ng naturang panukala, ilang doktor at nurse na rin ang binawian ng buhay dahil sa serbisyo nito bilang katuwang sa paglaban sa COVID-19 ng bansa.
Aniya marami pang mga medical workers ang nananatiling nagseserbisyo sa kabila ng panganib na dala ng COVID-19.