Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isinasapinal na ang Maritime Industry Development Program (MIDP) 2028.
Ayon kay PBBM, malapit nang makumpleto ang MIDP na isang mahalagang hakbang tungo sa pagtiyak ng kaligtasan at kabutihan ng mga Filipino Seafarer.
Nabatid na ang kumprehensibong plano na ito ay maingat na idinisenyo upang bigyang prayoridad ang mga pangangailangan ng mga seafarer at palakasin ang kanilang posisyon sa global stage.
Layunin din ng MIDP 2028 na alamin at tugunan ang iba’t ibang aspeto ng industriya ng pagmamarino na pangunahing nakatuon sa kagalingan ng mga Filipino Seafarer. – sa panunulat ni Jeraline Doinog