Handang harapin nina Philippine National Police Chief Gen. Rommel Marbil at Criminal Investigation and Detection Group Director Maj. Gen. Nicolas Torre III, ang anumang kaso na isasampa sa kanila kaugnay sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, naniniwala ang dalawang opisyal wala silang nilabag na batas sa pag-aresto sa dating pangulo.
Binigyan-diin pa ni Brig. Gen. Fajardo na naninindigan ang mga ito na nasa mandato ng kani-kanilang opisina ang ginawang paghuli.
Una rito, hiniling ni Senador Imee Marcos sa Office of the Ombudsman na imbestigahan ang dalawang PNP officials at ilan pang opisyal ng pamahalaan kaugnay sa sinasabing mga paglabag sa pag-aresto at paglipat kay Duterte sa detention facility ng International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.—sa panulat ni Kat Gonzales