Plano ngayon ng Department of Health o DoH na gawing mandatory ang pagpapabakuna sa mga bata.
Ito’y kasunod ng paglobo ng bilang ng mga kaso ng tigdas sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay DoH Secretary Franciso Duque III, kailangan na muling ipatupad ang executive order o EO na pinirmahan noon ni dating pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo hinggil sa dapat na pagpapabakuna ng mga bata bago pumasok sa preschool at primary school.
Nagkaroon lamang anya ng problema sa pagpapatupad nito dahil wala itong kaakibat na karampatang parusa sa mga magulang na hindi susunod sa naturang kautusan.