Magsasagawa ng malawakang pagbabakuna laban sa sakit na polio ang Department of Health (DOH) sa susunod na buwan.
Ito ay matapos kumpirmahin ng ahensya ang bagong kaso ng polio na tumama sa isang 3 years old na batang babae sa Lanao Del Sur.
Ayon kay DOH Spokesperson Undersecretary Eric Domingo, mas lalo pa nilang paiigtingin ang pagbabakuna lalo na sa mga batang may edad 5 years old, pababa.
Uunahin aniya ang mga lugar kung saan nakita ang virus na nagdudulot ng naturang sakit.
Magcoconcentrate muna tayo sa mga lugar na nakitaan ng virus, sa Lanao, sa Davao, sa Maynila tiyaka sa National Capital Region, at kung saan pa po tayo nakakadetect [ng virus],”ani Domingo. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas
Mga dahilan ng panunumbalik ng polio virus sa bansa inilatag ni Domingo
Inisa isa ni Department of Health (DOH) Spokesperson Undersecretary Eric Domingo ang ilang mga dahilan kung bakit bumalik ang polio virus sa bansa.
Aniya, nagsama sama ang ilang mga “health factors” na maaaring naging sanhi kung bakit muling natagpuan ang virus matapos ang 19 taon.
Talagang polio free na tayo for the past 19 years, kaya lang, ibig sabihin naghalo-halo ang iba-ibang mga factors katulad ng maraming bata ang hindi na nabakunahan nitong past five years; ‘yung ating environmental sanitation, ibig sabihin po yung water supply natin kung saan an gating mga toilet ay hindi masyadong sanitary kaya po nagcicirculate ‘yung virus, at, marami pong dahilan na nagtulong-tulong kaya po bumalik ang sakit na ito sa pilipinas,” ani Domingo.
Dagdag pa ni Domingo, kailangang maging maingat ang buong bansa dahil maaring kumalat ang virus sa buong bansa.
Ito ay matapos nilang makita ang polio virus sa isang sewerage system sa Maynila.
Kahit po sa sewerage system o yung mga imburnal sa Manila mayroon na po tayong nakita na ganyan (polio virus), so ‘yung presence po niyan nasa buong Pilipinas kaya kailangan ng buong Pilipinas na mag-ingat,”ani Domingo. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas