Ibinabala ng PRRC o Pasig River Rehabilitation Commission na hindi ligtas kainin ang mga malalaking isdang nakukuha sa Pasig River.
Kasunod na rin ito sa nakitang chemical element na isinagawang pagsusuri sa nahuling halos 17 kilos na bigat ng isdang dory.
Bukod sa dory, may nahuhuling mga malalaking hito at tilapya sa ilog.
Ayon kay Yra Dalao, tagapagsalita ng PRRC, pumasa sa lima sa anim na quality standards ang sinuring isdang tilapya subalit bumagsak sa chromium 6 na nagtataglay ng metal na ginagamit sa pagwe welding.
Bukod sa chromium, nakitaan din ang mga nasabing isda ng mercury, lead at mataas na fecal coliform content o dumi ng tao o hayop.
Nakikipag ugnayan na ang PRRC sa mga lokal na pamahalaan para mabigyan ng babala ang mga nanghuhuli ng isda sa Ilog Pasig.