Inilarga na ang malakihang rollback ng Petron Corporation, Solane at Phoenix sa presyo ng LPG.
Aabot sa P5.90 centavos kada kilo ang bawas-presyo ng Petron sa LPG habang P5.18 centavos kada kilo ang Phoenix.
Simula na ang kautusan alas-12:01 kaninang hatinggabi.
Ang AutoLPG naman ng Petron ay may tapyas presyo na P3.30 centavos kada kilo at P2.86 centavos sa Phoenix.
Samantala, epektibo rin ngayong alas-6 ng umaga ang rollback sa LPG ng Solane na nasa P5.91 centavos.
Ang price adjustment sa LPG ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng krudo sa International Market.