Bumwelta ang palasyo sa pahayag ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng lumolobong utang ng Pilipinas.
Nabatid na sa isang rally sa australia, kinwestyon ni VP Sara ang mahigit labing-anim na trilyong utang ng bansa at sinabing hindi naman nararamdaman ng publiko kung saan napupunta ang inuutang.
Sa press briefing sa Malacañang, iginiit ni Palace Press Officer Claire Castro na hindi lamang sa kasalukuyang administrasyon nag-ugat ang naturang utang.
Anya, as of June 2022 bago maupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pwesto, nasa 12.79 trillion pesos na ang utang na iniwan ng Duterte administration.
Kung saan, umabot anya sa 6.83 trilyon ang inutang sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, katumbas ng 115.1% na pagtaas kumpara sa mga naunang administrasyon.