Umapela ang pamahalaan na magpabakuna na ang 1.5 milyong unvaccinated senior citizens kontra Covid-19.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, posibleng malagay sa panganib ang bansa, matapos makapagtala ng 6.6% Covid-19 positivity rate at tatlong local case ng Omicron Variant.
Samantala, sinabi naman ni Vaccine Czar Carlito Galvez, na mayroon nang 50 milyong Pilipino ang fully vaccinated na laban sa Covid-19.
Sa ngayon, inaprubahan na ng gobyerno ang pagbabakuna ng booster shots para sa mga indibidwal na fully vaccinated matapos ang mahigit dalawang buwang single shot ng Janssen Covid-19 vaccine. —sa panulat ni Kim Gomez