Madadagdagan na ang options at chances para sa mga magkasintahang nahihirapang makabuo ng anak dahil mayroong makabagong innovation ang China na maaari nang pumalit sa pagha-hire ng surrogate mothers. Kung ano ito? Isa lang namang robot na may kakayahang magbuntis.
Kung paano ito magagawa ng robot, eto.
Maniniwala ka ba na kahit napakarami nang kayang gawin ng AI at ng mga robot, madadagdagan pa ito at maaari na ring ma-achieve ang bagay na tila imposible.
Sa China kasi, in progress na ang ‘pregnancy robots’ na nagmula sa ideya ng founder ng Kaiwa Technology na si Dr. Zhang Qifeng.
Bubuuin ang pregnancy robots na kahalintulad sa katawan ng mga babae at magkakaroon ng artificial womb o sinapupunan na ii-implant sa tiyan nito.
Sa pamamagitan ng hose, matatanggap ng ipagbubuntis nitong sanggol ang mga kinakailangan nitong nutrients. Bukod pa riyan, ang pinagkaiba nito sa mga tunay na babae ay sampung buwan itong magdadalntao.
Pero dahil nasa development stage pa ang robot, hindi pa malinaw kung paano ang magiging proseso ng pagtatanim ng egg at sperm cells sa robot at kung paano ito manganganak.
Kung magiging matagumpay man ang pagbuo sa innovation na ito ilalabas na ito sa susunod na taon at magkakahalaga ng $14,000 o halos 800,000 pesos ang serbisyo.
Ikaw, sa tingin mo ba ay magkapareho pa rin ang magiging kalidad ng buhay ng isang bata kung ipagbubuntis ito ng isang robot?