Mahigit 3 milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat mula sa isang construction worker at isang estudyante sa ikinasang buy bust operation ng awtoridad sa Visayas St., South Signal, Taguig City.
Kinilala ang mga suspek na sina Steven Paunil at Faisan Dunadag, kapwa residente ng nasabing lungsod.
Maliban sa buy bust money na isang libong piso, nakuha mula sa dalawang lalaki ang isang motorsiklo, isang eco bag, at umano’y shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 3.4 million pesos.
Mahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)