Sumampa na sa higit limang milyon ang bilang ng mga Pilipinong nabigyan ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19.
Ito ang ipinagmalaki ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. halos tatlong buwan matapos simulan ang vaccine rollout sa bansa.
Mas mataas aniya sa target ng pamahalaan na apat na milyon ang naabot nila bago matapos ang kasalukuyang buwan.
Ayon kay Galvez, nasa 1.2 milyon naman ang nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna.
Para makamit ang herd immunity sa Nobyembre, sinabi ni Galvez na kailangang makapagbakuna ng 500,000 kada araw sa National Capital Region o NCR at walo pang lugar.
Aarangkada naman sa susunod na buwan ang pagbabakuna sa A4 priority group, kabilang ang mga manggagawa sa mga government agencies, informal sector at pribadong sektor.