Mahigit 200 caddie at maintenance worker ng makasaysayang Intramuros Golf Course ang nanganganib mawalan ng trabaho dahil sa plano ng Lungsod ng Maynila na isara ang golf course at gawing forest park.
Ayon sa mga ulat, nagkaroon na ng paunang pagpupulong si Mayor Isko Moreno kasama ang ilang opisyal mula sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) at pamunuan ng golf club upang talakayin ang naturang proyekto. Gayunman, marami pa ring manggagawa ang nangangambang mawalan ng kabuhayan sakaling tuluyang ipatupad ang plano.
Ang Intramuros Golf Course, na may lawak na 60 ektarya at itinatag noong 1906, ay isa sa mga pinakamatandang golf course sa bansa. Nananawagan ang mga trabahador na isaalang-alang ng lokal na pamahalaan ang magiging epekto ng proyekto sa kanilang hanapbuhay bago tuluyang ipasara ang pasilidad.




