Mahigit labing anim na libong miyembro ng philippine Army ang idineploy sa buong bansa para tiyakin ang seguridad sa 2025 midterm elections.
Ayon sa Philippine Army, itinalaga ang mga ito sa mahigit anim na raang checkpoints at mahigit animnapung libong polling precincts.
Ito’y bilang bahagi ng pinaigting na inter-agency coordination sa pagitan ng AFP, COMELEC, at PNP upang maiwasan ang anumang banta ng karahasan, kaguluhan, o electoral sabotage.
Tiniyak naman ni Philippine Army Commanding General Lieutenant General Roy Galido na sumailalim sa briefing ang mga idineploy na sundalo kaugnay sa kanilang tungkulin at Philippine Army guidelines, alinsunod sa Omnibus Election Code.