Pinagkalooban ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA ng skills training ang mahigit 1,000 bakwit mula sa Marawi City.
Ayon kay TESDA Director General Secretary Guiling Mamondiong, sa pamamagitan ng skills training mas mapapadali ang pagbangon ng mga residenteng naapektuhan ng limang buwang bakbakan sa Marawi.
Magagamit aniya ng mga bakwit sa paghahanap ng trabaho ang kanilang mga matutunan sa mga pagsasanay.
Inaasahan naman ng TESDA na lalo pang dadami ang bilang ng mga nagpapatala para kumuha ng TESDA scholarship lalo na’t tuluyan nang nagwakas ang giyera sa lungsod.
—-