Balik-bansa na ang mahigit isang daang (100) mga distressed OFW o Overseas Filipino Workers mula Jeddah, Saudi Arabia kaninang alas-4:00 ng hapon.
Ayon sa OWWA o Overseas Workers Welfare Administration, ang mga nasabing mga OFW ay kabilang sa mga nabigyan ng amnesty sa ilalim ng programa ng Kingdom of Saudi Arabia.
Sinalubong ang mga ito ng mga opisyal ng OWWA at bibigyan ng tulong sa ilalim ng Comprehensive Assistance Program ng pamahalaan.
Una nang sinabi ng OWWA na kada grupo ang dating ng mga OFWs na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia dahil sa ipinatutupad na saudization.
By Krista de Dios