Pinaghahanda ng Department of Agriculture ang mga magsasaka at mga mangingisda sa magiging epekto ng bagyong Uwan.
Ayon sa Disaster Risk Reduction and Management Office, inabisuhan na nila ang mga magsasaka na anihin ang mga pananim bago pa man dumating ang bagyo.
Pinapalikas din ng ahensya ang mga reserbang binhi, mga materyales sa pagtatanim, at iba pang gamit-pansaka sa mas ligtas na lugar na hindi maaabot ng tubig-baha.
Sa mga mangingisda, ipinag-utos ng D.A. ang pagdadala sa mga bangkang pangisda sa mas ligtas na lugar.
Ipinapayo rin ang pagsasagawa ng early harvest sa mga alagang isda at iba pang aquaculture products, lalo na kung madalas bahain ang mga naturang lugar.




